Ang ibat-ibang tanawin sa pilipinas

                    PASEO DE SANTIAGO


Ang ating magagandang tanawin ay makikita sa iba't ibang parte dito sa ating bansang pilipinas. Dito sa atin sa pilipinas ay mas kilala sa mga magagandang pasyalan. Marami sa ating mga pinoy ay hilig ay mamasyal o maqtravel sa buong mundo. Hilig talaga nila na mamasyal o magpunta sa mga sukat na mga tanawin dito satin sa bansang pilipinas dahil gusto nila masaksihan mismo and ganda ng kanilang pupuntahan. Maski nga tayo gusto natim marating o pasyalan ang lahat ng sikat na lugar dito. Kahit gaano pa ito kagastos basta Lang makapunta tayo kasi ganon tayo ehh gagawin ang lahat.





May iba pa nga na naq iipon Lang ng pera para Lang makapagtravel sa gusto nila. Kaya't halinang mamasyal tayo dito sa Iligan. Isa sa aming napuntahan o napasyalan dito sa Iligan ay and tinatawag nilang PASEO, kasama ang aking mga kaibigan. Pagpasok mo pa Lang ay iyo ng makikita ang malawak nitong paligid na kay gandang pagmasdan.



Iba't iba ang makikita mo doon tulad ng Tartanilya na may kabayo, statwa ni Lapu-lapu at ang nakasulat na ILIGAN CITY. Makikita mo rin doon ang karagatan sapagkat itoy malapit lamang doon. may mga upuan doon at pwede kang umupo kasama ang iyong mga kaibigan habang kayo'y nakatingin sa karagatan. Masasabi mo talagang ang Paseo ang perpiktong pasyalan ng mga magkakaibigan, magkakaklase, magkakapamilya at iba pa. Masasabi rin na maganda dito dahil ito'y napakalinis at ang sarap ng simoy ng hangin. Perfect tambayan ng magkakabarkada o magkasintahan man, dahil Hindi ka magsasawa na langhapin ang simoy ng hangin. Maaari ka ding mag pictures doon para pang remembrance.





Pwede mo rin doon panoorin ang paglubog ng araw .Masasabi mong maganda doon dahil maraming nagpupunta, halos araw araw may tao. Pag ika'y pumunta doon talagang hindi ka magsisisi o manghihinayang sa binayad mo kaya sulit ang pagpunta mo. 😉




DARAMBA, POONA-PIAGAPO LDN
TURAYAS FALLS


Tayo naman ay pumunta sa aming lugar sa Daramba,Poona-piagapo LDN. Doon matatagpuan ang Turayas falls kung aming tawagin. Tuwing bakasyon kami ay nagpupunta jn kasama ang aking mga kaibigan. Halos tuwing bakasyon sa skuwelahan ay nagpupunta kami dyan. Ito'y malapit Lang sa amin kaya hindi gaano kapagod ang pagpunta. Tuwing pumupunta kami dyan ay aming pinagpplanuhan ng aking mga kaibigang kalog dahil pagpplanuhan namin kung sino ang dadala ng ganyan, ganito. Masasabi mong sikat din ng ito kaunti dahil may nagpupunta ring ibang mga tao. Tuwing kami ay pupunta dyan akoy labis na nasabik dahil makakaligo na naman ako sa napakalamig at malinis na tubig. Pag kami'y pupunta ay maraming bata ang sumasama samin dahil gusto rin nilang maligo sa malamig na tubig.







Makikita mo talaga sa mga mukha nila Kung gaano sila kasaya pag silay nagtatampisaw sa malamig na tubig. Kapag kami'y pupunta dyan kami ay nagdadala ng aming pagkain at doon na rin kami nagluluto ng aming kakainin, kami ay sabay-sabay na kumakain para masaya daw...Pagkatapos naming kumain, maliligo na naman kami at pagkatapos pupunta na kami sa Turayas falls at magpapapictires.Hindi rin mapigilan ng mga bata na sumabay samjn kapag kami'y pupunta sa Turayas falls. Sumasabay din sila pag kami ay magpapapictures, kaya minsan naiinis ako sa kanila dahil panira sila ng moment..hehhe chaar !!pero Ok lng yon nawawala rin naman yong inis ko. Pagkatapos namin maligo at magpa pictures ay uuwe na kaming lahat.
 Pero sa aming pag uwe hindi mo talaga mararamdaman ang iyong pagod dahil kasama mo yung mga kaibigan mong nagtatawanan habang kami'y pauwe. Talagang Hindi ka magsisisi sa iyong pagpunta dyan sa Turayas dahil sulit ang iyong pagod at wala ding entrance fee, libre Lang. Kaya halina kayo at pumunta para masaksihan ang ganda na taglay ng Turayas falls. 😉😉😉😍😘😚


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Until We Meet Again

ABSTRACT